Solidarity Message to the 2014 Baguio Pride March

HIGIT PA NATIN NA ISULONG ANG 20 TAONG PAKIKIBAKA NG MGA TOMBOY, BAKLA, BISEXUAL AT TRANSGENDER SA PILIPINAS!

PATATAGIN ANG HANAY GIRL, BOY,BAKLA, TOMBOY, TUMINDIG AT HUMANDA SA ANUMANG HANAY NG LABAN!

Isang magandang araw sa ating lahat.

20 taon na ang nakalilipas, June 26, 1994, mula ng ating pasimulan ang kauna-unahang martsa at pagkilos ng mga bakla at tomboy sa Pilipinas at buong Asia sa pamumuno ng Progay Philippines. Hindi lamang ang usaping diskriminasyon at pagtanggap sa ating kasarian ang ating isinigaw kungdi pati ang mga isyu tulad ng VAT, mababang sahod, kawalan ng trabaho, demolisyon ng mga tahanan, pagtaas ng tuition fee atbp. Itinaon natin ang pagkilos sa ika-25 taong anibersaryo ng pag-aaklas ng bakla, tomboy, bisexuals at transgender laban sa diskriminasyon at ipagtanggol ang isang gay bar na kung saan malaya silang nakakapagpahayag. ang makasaysayang Stonewall sa Greenwich, New York. Ang Stonewall uprising ay naging inspirasyon ng ating sektor sa buong daigdig upang magtatag ng mga organisasyon upang ipaglaban ang ating kasarian at karapatan.

Ang ginawa nating pagkilos 20 taon na ang nakakaraan ay naging huwaran at simbolo upang maglungsad ng mga mga pride march ng mga sumunod na taon hindi lamang sa Pilipinas kungdi sa mga bansa ng Taiwan, Hongkong, Japan, Malaysia, at Thailand.

Dahilan sa lumalala ang krisis pang ekonomiya at pampulitika ng ating bansa na kung saan ay apektado rin ang mga tomboy, bakla, bisexual at transgender.

Ito ay isang HAMON sa mga Pambansa Demolratikong Tomboy, Bakla, Bisexual at Transgender upang mag-mulat, organisahin at lumahok hindi lamang sa mga kilos protesta sa kalsada kungdi pati ang labanan sa arena ng Lehislatura na kung saan maghahain at ipagtatangol ang mga batas para sa ating sektor at kapit-bisig na katuwang ng mga makabayang Party List sa pagtatanggol para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Magagawa ito sa ating higit at masiglang pagtutulungan at pagkakapit-bisig.

Pasiglahin at palakasin natin ang ating hanay at sektor at maging katuwang ng sambayanang Pilipino sa pagtatayo ng moog ng isang Pambansa Demokratkong Lipunan!

MABUHAY ANG LESBOND!

MABUHAY ANG WALANG HUMPAY NA PAKIKIBAKA NG MGA BAKLA AT TOMBOY!

ISULONG ANG BAGONG ARENA NG LABAN NG ATING SEKTOR!

MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO.

10494651_1445875779003589_4055048193261397804_n

Deputy Spokesperson Yvan Zuñiga speaks to the crowd
Deputy Spokesperson Yvan Zuñiga speaks to the crowd
The Pride continues despite heavy rain.
The Pride continues despite heavy rain.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s